Pages

Magkano Na Ba Ang Kinita Mo Dyan?



In this video...
  • Sasagutin natin ang isa sa pinaka common na objection na ibinabato ng mga prospect sa network marketers.
"Magkano na ba ang kinita mo dyan?"
  • Malalaman mo rin dito kung ano ang nasa isip ng mga prospect kung bakit nila ito itinatanong.
  • Mamaya may ibibigay ako sa'yong scripts na pwedeng i-model sa pagsagot sa objection na ito.




By the way, I’m Alexander Dela Cruz, isang OFW dito sa Libya at isa ring part time online entrepreneur.

So let’s get started.

Magkano na ba kinita mo dyan?

Or

Magkano na ang kinikita mo dyan?

Kung baguhan ka palang sa business mo at naitanong sayo ito ng prospect mo ay siguradong kakabahan ka lalo na kung wala ka pang resulta. Maaring pumasok sa isip mo na baka di mo siya mapasali dahil nga wala ka pang resulta.

Naalala ko noong nagsisimula palang ako sa business ko, noong unang maitanong sa akin ito.

Talaga kinabahan ako although through online pag-uusap namin, di ko talaga alam ang sasabihin ko. 

Nakakahiya mang aminin sinabi kong kumita na ako kahit wala pa. 50k ata yung sinabi ko sa prospect ko.

Alam mo kahit nagsinungaling ako di ko pa rin siya napasali at isa pang masakit ay inuusig ako ng konsensya dahil sa pagsisinungaling na nagawa ko.

So sana wag mong tularan ang ginawa ko dati. 

Be an ethical network marketer.

Alam mo sa panahon ngayon matalino ang mga tao parang nahahalata nila kung nagsisinungaling ka ba o hindi. Lalo na kung di ka talaga sanay magsinungaling.

So, pano nga ba sagutin ng tama itong objection na ito ng hindi nagsisinungaling?

May mga effective way para maconvince mo ang prospect mo ng hindi ka nagsisinungaling. 

Tell the truth…

Sabihin mo lang kung ano yung totoo. Ang kagandahan pa nito pag nagsabi ka ng totoo sa prospect mo maaring mas pagkatiwalaan ka pa niya dahil naging tapat ka sa kanya. 

May kasabihan nga tayo “Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat”.

Anlalim noh? 

Ibig sabihin lang nun pag naging tapat sa isang tao ay mas tatagal ang inyong pagsasama.

Para lang yan sa mag-asawa, kung magiging tapat sila sa isa't isa ay malamang habang buhay silang magsasama. Pero kung isa sa kanila ay di magiging tapat malamang maghiwalay sila.

The truth…

Mabalik tayo sa “Magkano na ba ang kinita mo dyan?”.

Actually, di naman talaga gustong malaman ng prospect mo kung magkano yung exact na kinikita mo o kinita mo, 

* gusto lang niyang malaman kung totoo ba yang business opportunity mo.

* Gusto lang niyang malaman kung talagang may kumikita dyan sa business opportunity mo. 

* Gusto lang niyang malaman kung posible din siyang kumita kapag nagjoin siya sa business opportunity na inooffer mo.

 O baka masayang lang yung pera ipang jojoin niya sa business mo. 

In short, naghahanap lang siya ng social proof. 

The script…

May ginagawa akong scripts na pwedeng i-model para mas lalo mong maintindihan...

Let say naitanong sa’yo ng ito ng  prospect mo.

Prospect: Magkano na ba ang kinita mo dyan?

Or 

Prospect: Magkano na ba ang kinikita mo dyan?

(Kung bago ka palang at wala ka pang resulta ganito ang sabihin mo...)

Prospect: Magkano na ba ang kinita mo dyan?

Ikaw: Actually, kakasimula ko palang sa business na ito kaya di ko pa na-aachieve yung income goals ko.

But let me tell you the story of my upline (name), sa ngayon kumita na siya ng mahigit 100k in just 7 months in this business. 

Gaya ng karamihan, nagsimula rin siya ng walang resulta pero noong inaral niya lahat ng itinuro ng upline niya, unti unti nagkaroon siya ng resulta , unti unting na-aachieve na niya yung income goals niya.  Kung magjo-join ka ngayon handa akong turuan at iguide ka para mabilis kang magkaroon ng resulta. At andyan din si upline para iguide at turuan ka.

Ikaw: kung willing kang aralin lahat ng ituturo namin sa’yo ay possible mo rin kitain yung kinita ni upline o baka nga mahigitan mo pa. Willing ka bang aralin lahat ng ituturo namin sa’yo?

Prospect: Oo.

Ikaw: Ok good! Ganito ang gawin mo para makapagsimula ka na agad.(sponsor him/her)


(Kung medyo matagal ka na pero wala ka pang resulta, ganito ang sabihin mo...)

Prospect: Magkano na ba ang kinita mo dyan?

Ikaw: actually, sa totoo lang di ko pa na-achieve yung income goals ko dahil this past few months ay naging busy ako sa trabaho.

But let me tell you the story of my upline (name), sa ngayon kumita na siya ng mahigit 100k in just 7 months in this business.

Gaya ng karamihan, nagsimula rin siya ng walang resulta pero noong inaral niya lahat ng itinuro ng upline niya, unti unti nagkaroon siya ng resulta, unti unti na-aachieve na niya yung income goals niya. Kung magjo-join ka ngayon handa akong turuan at iguide ka para mabilis kang magkaroon ng resulta. At andyan din si upline para iguide at turuan ka.

Ikaw: Kung willing kang aralin lahat ng ituturo namin sa’yo ay posible mo rin kitain yung kinita ni upline o baka nga mahigitan mo pa. Willing ka bang aralin lahat ng ituturo namin sa’yo?

Prospect: Oo.

Ikaw: Ok good! Ganito ang gawin mo para makapagsimula ka na agad.(sponsor him/her)

Note: Sinabi mo na “posible mo rin kitain”, ibig sabihin hindi mo iginagarantiya na kikita rin siya ng same amount, magdedepende pa rin kasi yung sa time & effort na iuukol niya sa business nya. Importante na maipakilala mo siya sa upline mo para mas tumibay ang social proof at ask mo si upline na tulungan ka na turuan si prospect.

That’s it! 

I hope na may natutunan ka kahit kaunti sa short video na ito.

Nahihirapan ka bang mag-invite? If so, may Free E-Book akong gustong ibigay syo kung saan matutunan mo ang tamang skills sa pag-iinvite. Click here to get your Free E-Book.

Free Video Training Series: How to start your own online business?

Kung nagustuhan mo ang blog post na ito, please click like & share sa mga kakilala mong pwedeng matulungan din nito.

More power to your business and good luck.


To your success,




No comments:

Post a Comment